Thursday, August 9, 2012

First time

Lahat ng tao may first time sa lahat ng bagay, pero hindi ko to first time sa pagsulat ng blog. Sinubukan ko na dating tahakin ang pagsulat ngunit sadyang wala akong talento at tyaga. Hindi ko ring gawain na sabihin kung ano ang gusto kong sabihin sa ibang tao. Ngayon bakit ako gumawa nito? Kasi pakiramdam ko nawawala na ko sa katinuan. Unti unting naguguluhan sa mga nagyayari sa akin at sa mundong ginagalawan ko. Minsan hindi ko na alam kung nag iisip pa ba ako o hindi na. Na gumagalaw na lamang ako base sa rutina ng buhay. Pakiramdam ko'y wala nang saysay ang buhay. Ngayon dito ko isusulat lahat ng aking mga nararamdaman at mga nagyayari sa akin. Baka sakaling bumalik sa dati ang lahat.

No comments:

Post a Comment