Isa akong aso, na naghihintay para kalinga ng aking amo.
Masaya ako dati kasi palagi kaming naglalaro, lagi niya ko pinapansin at inaalagaan. Kuntento na ako dito dahil may oras siya para sa akin. Pero bigla bigla, nag iba ang aking amo, parang wala na siyang panahon para sa akin. Nagpapansin na kaya ako sa kanya, nagpa cute at tumambling tambling pa. Pero wala talaga, hindi na siya palaging nakikipaglaro sa akin. Hinahagisan na lamang niya ako ng pagkain, masaya na rin ako dito kasi hindi ako tuluyang inabandona ng aking amo.
Nakikita ko rin naman na marami siyang ginagawa, kaya nagpapaka bait ako at iniisip ko maglalaro kami pagkatapos niya. Kaya tahimik lang ako sa lugar ko para hindi siya maabala.
Nang makita kong tapos na ang mga ginagawa niya, "Amo, maglaro tayo! Tagal na natin di nakalaro." Aw, Aw, Aw. Nalungkot ako dahil tinignan niya lang ako at wala siyang ginawa. Hinagisan niya lang uli ako ng makakain. Sumunod ako sa kanya, kumiskis sa mga binti niya para makuha ang kanyang atensyon. "Shoo, shoo, dun ka nga!" Hindi ko alam kung bakit, pero amo bakit ayaw mong makipaglaro sa akin? Nalungkot ako at inisip na galit ang amo ko kasi ang kulit kulit ko. I'm a bad dog. Kaya nagpakabait ako at hindi nagpapansin. Pero kaming mga aso, kailangan talaga ng aruga at atensyon kaya lumapit muli ako sa aking amo. Amo pansinin mo naman ako. Masaya ako kasi pinansin niya ako kahit sandali lang. Pero maya maya'y nakalimutan niya uli ako.
Malungkot akong aso, naghihintay sa kalinga at atensyon ng aking amo. Ang hirap ng ganito, pero ano nga ba ang magagawa ng isang aso kundi ang magpapansin. Pero ayoko ding mangulit sa aking amo, baka kasi sipain niya ako. Mabait akong aso. Gusto ko lang ng atensyon ng aking amo.
Naisip ko gamit ang maliit na utak ng isang aso na ayoko ng maging aso. Ayoko ng mag intay sa kung ano na lamang ang ihahagis ng aking amo. Ayoko ng magpapansin. Pano kaya kung ginawa ko ito? Papansinin niya kaya ako at mamimiss? Hindi ko alam, hindi na kayang isipin iyon ng utak ng isang asong katulad ko.
Mahal ko ang aking amo at sana bumalik kami sa dati. Busy lang siya. Busy lang siya. Yaan na lamang ang pa ulit ulit kong iniisip. Busy lang siya.
Busy lang siya. Busy lang siya. Busy lang siya. Busy lang siya. Busy lang siya. Busy lang siya. Busy lang siya. Busy lang siya. Busy lang siya. Busy lang siya. Busy lang siya. Busy lang siya. Busy lang siya. Busy lang siya. Busy lang siya. Busy lang siya. Busy lang siya. Busy lang siya. Busy lang siya. Busy lang siya. Busy lang siya. Busy lang siya. Busy lang siya. Busy lang siya. Busy lang siya. Busy lang siya. Busy lang siya. Busy lang siya. Busy lang siya. Busy lang siya. Busy lang siya. Busy lang siya. Busy lang siya. Busy lang siya. Busy lang siya. Busy lang siya. Busy lang siya. Busy lang siya. Busy lang siya. Busy lang siya. Busy lang siya. Busy lang siya.
Ayoko ng maging aso na naghihintay sa kung ano na lamang ang ihahagis ng aking amo.