Natikman niyo na siguro yung chicharon ni Mang Juan no? Kung hindi pa, tikman niyo na kasi masarap. Pinaka gusto ko yung spicy version yung suka na may sili. Masarap na kainin ng mag isa, pulutan, o kaya da best na isawsaw sa suka!
May tatlong flavor ang pancit ni Mang Juan: tinapa, pinoy BBQ, at adobo. Pinoy na pinoy ang mga flavors niya. Ang kinuha ko lang ay ung pinoy bbq at adobo, hindi kasi talaga ako mahilig sa tinapa. :))
Ang pagluluto ay katulad lang ng pag luluto sa ibang pancit canton. Ang una kong niluto ay yung pinoy bbq, at sa amoy palang bbq na. AMOY USOK. :)) Pero masarap ito, dahil lasang lasa ang bbq flavor na maanghang at manamis namis. Nagustuhan ko ito dahil tama lang iyong anghang at dahil na rin sa smoky flavor nito. Pumikit ka at parang bbq na rin ang kinakain mo.
Bibili ba uli ako nito? Oo. Kahit mahal siya ng .15 cents sa binibili ko talagang pancit canton.
Titikman ko ang adobo flavor bukas, at sana masarap din dahil gusto ko ng adobo.
Nakakatuwa talaga na may Pinoy flavor na ang pancit canton dahil medyo nakakasawa na rin iyong ibang flavor.
Salamat Mang Juan, ano kaya ang susunod mong produkto? Aabangan ko iyan! :))

No comments:
Post a Comment