Monday, September 3, 2012

Para kay A.

A,

Hanggang ngayon nahihirapan pa rin ako.Hindi ko alam kung kaya ko pang mag tiis at mag hintay. Sadyang kasama yata talaga ito sa isang relasyon. Matutong umintindi, matutong magparaya. Sana lang hindi para sa wala itong ginagawa ko na ito.

Kaya ko bang wala ka? Sa totoo lang, hindi ko alam. Sa ngayon hindi ko siguro kaya. Iniisip ko palang hindi ko na alam ang gagawin ko. Iniisip ko palang nalulungkot na ako. Ayoko rin namang isipin na mangyayari ang ganun, pero inihahanda ko lang ang sarili ko sa pinaka malalang mangyari.

Sa ngayon nag iintay ako, nagiisip na sana maayos ito. Na hinihiling na sana kausapin mo na ako.

Ayoko nang maginarte kasi alam ko mas naasar ka lang sa ganun. Kailangan mo lang talaga siguro ng space, ng panahong mag isip. Handa ko namang ibigay un hilingin mo lamang ng maayos.

Hindi rin naman kita masisisi kung ganyan, siguro may pagkukulang lamang talaga ako. Naniniwala ako na hindi paghihiwalay ang sagot sa lahat ng problema, kasi kung talagang maayos pa ayusin pa natin. 

Hindi ko alam kung ang problema ay sa sarili mo, o sa akin, o sa ating sitwasyon. Pero ginagawa ko ang lahat para sa iyo. Hindi ako nanunumbat, sinasabi ko lamang na ayusin natin ang problemang ito. 

Hindi ako sanay na ganyan ka, pero ikaw yan at kailangan kong tanggapin. Patunay lamang ito na kahit tatlong taon at mahigit na tayo hindi pa talaga natin kilala ang isa't isa. Maglaan pa tayo ng panahon para magkakilala pa. Nakakatuwa siguro kung mangyayari iyon. 

Let's spend more quality time together. Let's get to know each other better. I'm willing to give my time for you.

Nakakatuwa na ang daming may gusto na magka ayos tayo. 

Mag aantay ako para sa iyo pero sana huwag masyadong matagal kasi maaring magsawa na rin ako sa pag aantay hindi dahil nagsawa na ako at hindi ka mahal sa halip ay nawalan na ako ng pagasang babalik ka pa.

Sobrang miss na kita.Miss ko na ang pag uusap natin gabi gabi ng kung ano ano at kung minsan ay tungkol sa walang kwentang bagay pero pareho tayong nag eenjoy. Miss ko na ang paghawak sa kamay mo na mas malambot pa sa kamay ko. :) Miss ko na ang ngiti mo na napaka rare. Miss ko na ang hug mo at pag hug ko sa iyo. Miss ko na ang kilitiin ka at makitang sobrang affected ka. :) Miss ko ang lahat sa iyo. Miss ko ang mga oras na magkasama tayo. Miss ko na ang panonood ng movie kasama ka. 

Sana kung hindi man tayo bumalik sa dati ay maging mas sweet pa tayo. Mas magiging sweet ako sa iyo. Mas ipapakita kong mahal kita, na ikaw lang walang iba. 

Ayaw ko ng umiyak para sa iyo kasi ang gusto ko ngumiti na lamang para sa iyo.

Mahal na mahal kita. Palagi. Araw araw. Oras oras.

I love you more today than yesterday but not as much as tomorrow.

I will always be here for you.


love love,
V

No comments:

Post a Comment